
Idol ko si Bob Ong. Tuwang-tuwa ako tuwing nababasa ko ang mga kowts nyang kakaiba at talaga namang kapupulutan ng aral. Kaya sinama ko sya sa aking 'collection'. Bagamat hindi ako ang 'original' na writer, wish ko na maging kagaya nya ako someday.
Sana magustuhan nyo ang mga inipon kong kasabihan galing sa matalino at kahanga-hangang tao. Walang iba kundi si Bob Ong...
-- Glynis Dacsil
---> TATAMAAN KA DITO, LALO NA ANG PUSO MO!
1. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
2. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
3. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
4. "Wag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hinahawakan ng iba."
5. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
6. "Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON wala na ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. ang tao pwedeng magadjust. pero ang bagay at panahon hindi."
7. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pagiisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
8. " Iba ang tinititigan sa tinitingnan... ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin. ang tinitingnan, buong bahagi ang sinusuri... iba din ang iniintindi sa inuunawa... ang iniintindi, pinipilit sa isipan... ang inuunawa, alam kung bakit dapat ipilit sa isipan. Kung kaya dapat tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi titigan lang at intindihin."
9. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
10. "Pakawalan mo ang mga bagay na makakasakit sa'yo kahit na pinapasaya ka nito. huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
11. " Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka ng magpakita ng motibo para mahalin ka pa niya."
12. "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso... extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig marunong kang magmahal.."
13. "Pag' pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka, sumama ka sa mabuti, di sa mabait. sa marunong, di sa matalino. sa MAHAL KA di sa gusto ka."
14. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
15. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
16. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
17. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
18. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
19. "Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
20. "Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
21. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
22. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
(Nakakatuwa sila di ba? Iba talaga pag na-inlove ang isang Bob Ong. Sana naisip ko rin mga yan, nung panahong engot ako sa love....Yun lang. Have fun!)
2 comments:
hay ang ganda2x ang mga cotes
Post a Comment